Abril 19, 2026 naganap ang pangmamasaker ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Toboso, Negros Occidental na nagresulta sa pagkamatay ng 19 katao. Tinatayang 653 residente mula sa 138 na kabahayan ang pwersahang inilikas sa Barangay San Jose at Salamanca.
Sa gitna ng kahirapan, pangbabarat ng sahod ng mga manggagawa sa tubuhan, patuloy na nakararanas ng paglabag sa karapatang pantao ang mga taga-Negros. Nanatili ang Negros bilang isa sa mga pinakamilitarisadong rehiyon sa buong Pilipinas, kung saan ang presensya ng estado ay madalas na nararamdaman sa pamamagitan ng dahas sa halip na serbisyo. Sa kabuuang bilang na 135 biktima ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa, 52 sa mga ito ay nagmula sa Negros—ang pinakamataas na bilang sa anumang rehiyon sa Pilipinas.
