Survivors and their children gathered in Marikina to commemorate the 10th anniversary of Typhoon Ondoy.
BAKIT PATULOY ANG PAGLABAG SA KARAPATANG PANTAO SA MINDORO?
Sa kasagsagan ng selebrasyon noong bagong taon, pinaulanan ng bomba at bala ng 76th Infantry Battalion at 203rd Brigade ng Philippine Army ang Sitio Mamara, Barangay Cabacao, Occidental Mindoro na nagresulta sa pagkamatay ng tatlong batang Mangyan-Iraya at isang kabataang mananaliksik. Tinatayang 769 indibidwal o 188 pamilya ang sapilitang pinalikas dulot ng insidente.
Hindi ito ang unang kaso ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga katutubong komunidad sa Mindoro. Ayon sa Defend Mindoro, sa kabuuan, 16,733 na ang bilang ng mga paglabag sa karapatang pantao sa buong probinsya mula Enero hanggang Nobyembre 2025. Sa nakalipas na taon, limang kaso ng pambobomba at strafing ang naitala sa probinsya. Tinatayang 1,080 indibidwal ang apektado sa mga operasyon ng militar sa mga bayan ng Baco, Pola, at Mansalay, Oriental Mindoro.
Higit na bulnerable sa ganitong sitwasyon ang mga kababaihan at bata. Noong Disyembre 2, 2025, dinukot at tinortyur ng 76th IBPA si Dolores Solangon, 47, isang Mangyan-Iraya. Siya ay itinali sa puno, binusalan, at pinaghukay ng sariling libingan habang iniinteroga ng militar at pilit na pinapasuko bilang miyembro umano ng New People’s Army (NPA).
Sa Sitio Malatabako kung saan higit isang taon na mula nang sapilitang binakuran ng Pieceland Corporation ang lupang ninuno ng mga katutubo upang magtayo ng subdibisyon, labis na takot ang nararamdaman ng mga kababaihan dahil sa pagmamanman at panggugulo ng mga armadong guwardiya sa mga nagtatangkang umalis sa lugar. Naiulat din ang panghahalik nang walang pahintulot at pananakit sa mga kababaihang Mangyan-Iraya.
Nilalantad ng sunud-sunod at dumaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Marcos Jr. ang adyenda nitong supilin ang paglaban ng mamamayan kontra sa mga proyektong nakaambang wasakin ang kanilang kabuhayan at paninirahan. Sinasalamin nito ang adyenda ni Marcos Jr. na pabilisin ang pagpasok ng malalaking korporasyon at mga proyekto nito, tulad ng large-scale mining at energy projects, at iba pang mga proyektong naglalayong dambungin ang likas na yaman ng bansa.
#ReleaseChantalAnicocheNOW#DefendMindoro#StopTheBombings#DefendFilipinoWomen
