Kasaysayan ng Marso 8

Ang Marso 8, Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis ay paggunita sa mahigit na daang-taon nang ipinaglalaban ng kababaihang anakpawis sa iba’t ibang bahagi ng mundo para sa kanilang karapatan.

Ang maagang yugto ng ika-20 siglo ay rurok ng sistemang kapitalismo sa mga bansa sa kanluran. Kasabay ng mabilis na pag-usad ng teknolohiya, pagsirit ng produksyon, at paglobo ng kapital sa mga empresa ay ang sistematikong pagsasamantala sa uring manggagawa, kasama ang kababaihang manggagawa.

Ang ganitong kalagayan ang nagbunsod sa mga manggagawang kababaihan upang organisahin ang kanilang hanay at kumilos para baguhin ang kanilang abang kalagayan – nag-organisa, nagtayo ng mga unyon, at nagwelga laban sa mga kapitalista. Sa parehong panahon din naitayo ang iba’t ibang sosyalistang organisasyon ng mga manggagawa sa bahagi ng Europa at Estados Unidos.

Noong 1910, isang internasyunal na kumperensya ang inilunsad ng mga sosyalistang organisasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang Second International, isang organisasyon ng mga “socialist” at “labor parties”, ay naglunsad ng pulong sa Copenhagen, Denmark noong Agosto 1910 – ang International Socialist Congress. Kaalinsabay ng pulong na ito ang Second International Conference of Socialist Women na dinaluhan ng mahigit 100 kababaihan na nagmula sa 17 bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Share via
Copy link
Powered by Social Snap